Saturday, March 4, 2017
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Buod
Gabi na't inilakad na ang prusisyong pang noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at ito'y kailangang bugbugin sa Guwardiyang Sibil. Idinaan ang imahen sa Metusalem, ang pinaka matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagaalala kay Sinong ang maitim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang malungkot sa pag-ilaw. Kasunod naman ay mayroong mga batang may mga parol na idinala. Napuna ng mga Sibil na walang ilaw ang karitela. Pinarusahan muli ng mga sibil ang kutserong si Sinong at dahil diyan, nag lakad nalang si Basilio. Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simoun ay may kasindak-sindak na pagkatao at sabi ni Basilio na "Ang lahat ng tao ay nakpaghanap buhay sa bayang ito maliban sa amin." Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ang matandang utusan, nang makitang tumitiis ng may sakit si Basilio na parang wala naman. Ibinigay ng mga utusan ang lahat pero mayroon paring mga kalabaw na namatay, mga katulong naiipit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang na si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.
I. Tauhan
Simoun- Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umano'y tagapayo ng Kapitan Genral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang mag higanti sa kanyang mga kalaban.
Basilio- Ang mag aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Sinong- Kutsero
III. Suliranin ng kabanata
Ang problema sa kabanatang ito ay yung masyadong kahigpitan ng mga sibil sa kutsero. Ang ikalawang problema ay yung pag kidnap kay Kabesang Tales. Ang kawawang mga Pilipino'y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting pagkukulang.
IV. Gintong Aral
Hindi perpekto ang mga tao, kailangan natin igalang ang bawat indibidwal. Hindi naman kailangan na dahil sa konting kamalian, manghuhusga na at hindi na igagalang. Bawat tao ay may karapatang maging malaya. Pantay-pantay dapat ang pag trato sa isa't-isa.
Subscribe to:
Comments (Atom)
